Friday, March 6, 2026

SUGATAN


Muli ay hinayaan ang pusong umibig,

Ngunit hapdi muli ang sa aki'y rumaig;

Sa bawat sandali, sa bawat pintig,

Sugatang puso ang tanging nanginginig.



Hindi mawari kung ang puso'y muling ililibing,

Matapos ang sakit na tila walang kasing-hambing;

Sa gitna ng dusa, sa lumbay na kay lalim,

Sugatan pa rin ang pusong nagniningning sa dilim.



Ang aba kong puso, muling nagtiwala sa sumpa,

Naniwala sa mga salitang kay tamis, kay ganda;

Kaya't heto ngayon, sa dulo ng pag-asa,

Puso ko'y sugatan, muling nag-iisa.



Kailan kaya maghihilom ang sugat na itinatangi,

Na likha ng pag-ibig mong mapaglaro't mapag-api?

Nang sa dulo ng landas, ligaya'y muling mamayani,

At ang sugatang puso'y hindi na muling humikbi.





Petsa:  Hulyo 22, 2006
Time: Oras 5:51 PM
 Zodiac Year:  Year of the Dog
Petsa:  Marso 7, 2026 
Time:  5:53 AM 
 Zodiac Year: Year of the Horse 

No comments:

Post a Comment

"Ikáw Pa Rin" (Sa Lumang Wika)

Sa tanang búhay, ikáw ang hinintáy,   Nang dumating ka, pag-asa’y sumilay.   Datapwâ kung gaano ka kabilis dumating,   Gayón din ang paglaho...