Sa tanang búhay, ikáw ang hinintáy,
Nang dumating ka, pag-asa’y sumilay.
Datapwâ kung gaano ka kabilis dumating,
Gayón din ang paglaho, tulad ng kidlát sa langit.
Masakít mang isipín, ikáw ang hinintáy,
Sa habà ng panahóng lumipas at nagdaan.
Pusò’y di nagbago, nananatíling tapat,
Ikáw pa rin ang laman, sa dibdib kong wagas.
Di ko inaasahan, ganitó ang kapalaran,
Na magpakailanman, ikáw ang pipiliin.
Pagkát hanggang ngayo’y, ikáw ang iniíbig,
Sa tanang búhay ko, ikáw pa rin ang giliw.
🕰 Mga Tala
- *Orihinal na Petsa:*
Oktubre 22, 2004 – Taón ng Unggoy
- *Bagong Petsa:*
Marso 7, 2026 – Taón ng Dragon
- *Orihinal na Petsa:*
Oktubre 22, 2004 – Taón ng Unggoy
- *Bagong Petsa:*
Marso 7, 2026 – Taón ng Dragon
No comments:
Post a Comment