Thursday, March 5, 2026

Rewritten- March 6, 2026

 Hirap ng Pagkakalayo


Ang pait ng distansya’y sadyang mapanglaw,

Isipan ay lito, tila ba naliligaw;

Pinipigil ang pusong nais na humiyaw,

Ngunit pangalan mo ang laging lilitaw.


Kay bigat ng buhay kung ika’y malayo,

Sa gitna ng dusa, tanging ikaw ang piho;

Kahit sa pag-idlip, sa iyo sumasamo,

Na tayo’y magkapiling, masaya at buo.


Ang gulong ng palad, sadyang mapagbiro,

Lahat ng pait ay kailangang matalo;

Upang sa dako pa roo’y muling magtagpo,

At tanging ikaw lang ang laman ng puso.



Aeko

September 5, 2005

Year of the roster

Rewritten- March 6, 2026 Year of the horse

No comments:

Post a Comment

"Ikáw Pa Rin" (Sa Lumang Wika)

Sa tanang búhay, ikáw ang hinintáy,   Nang dumating ka, pag-asa’y sumilay.   Datapwâ kung gaano ka kabilis dumating,   Gayón din ang paglaho...