Sa mga oras na ang ginto ay naglalaho,
at sa bawat sandaling ang isip ay lito,
sa paglipas ng mga saglit na tila walang kasingbilis,
ako pa rin kaya ang sa gunita mo ay magtitiis?
Sa mga araw na ang lumbay ay nananaig,
at sa mga panahong wala ako sa iyong panig,
sa gitna ng mga taong darating at lilipas din,
ako pa rin kaya ang tanging iibigin at hahanapin?
Original na Petsa: Setyembre 5, 2005
Petsa ng Pagkakasulat muli: Marso 6, 2026
No comments:
Post a Comment